ayoko ng umasa pa
pero may nag uudyok
na ako'y muling umasa pa
sana hindi na lang
sana huwag na lang
para hindi na lang mabigo
para hindi na lang masaktan
mas masaya siguro na malungkot
o mas masaya na masaktan
na masira
na madurog
na masaktan
huwag na lang siguro
kaysa mangyari pa ulit ang nakaraan
ano ang mas mabuti?
mahalin siya na wala namang pag asa
o
burahin ang mga nangyari noong nakaraan
mabuti pa sigurong mabuhay ng nag iisa
kaysa ibigay ang pag ibig na hindi
siguradong makakabalik