Sunday, September 27, 2009

Experience like no other

September 26, pumasok ng 8:30 ng umaga, alas diyes nasa PGH banda ako, grabe na ang traffic pati baha na din, nagtetext na ang mga kaklase ko. Huwag na daw pumasok kasi mahihirapan ng umuwi, saktong 11:30 nasa Park n Ride na ako, baha din and hindi na makadaan along SM Manila, waist level ang baha. doon ako naka receive na walang pasok 12 noon onwards. I decided na umuwi na, sumakay ng bus pauwing Pacita. along Quirino papasok ng Osme�a Highway doon na kami nastranded, for 11 hours I was there inside the bus, hindi gumagalaw and so on. andami pumapasok sa isip ko, pero nakita ko ung spirit ng bayanihan na kilala sa ating mga Pilipino. yung hirap na hindi makaihi, walang pagkain and so on. ihi na lang sa gilid gilid kahit babae. lahat na naging negosyante. ang cup noodles ay bente pesos, with hot water na. ang bus napang public parang field trip, kasi hindi kami aalis hangga't hindi kami kumpleto lahat sa bus. instant barkada agad sa loob ng bus puro kasi kami estudyante from different schools.

around 11:30 pm simulang gumalaw, kaya pala traffic because madaming tirik na kotse along Dela Rosa na side. 1:30 am ako nakauwi. glad that I am ok. naiisip ko nung nasa bus ako" Mas gusto ko mamatay, kaysa nasasayang ang oras ko na ganoon, walang ginagawa, walang naitutulong."

Let's pray and help friends, kailangan tayo ng mga kapwa natin. Let's do this!

thank you to Julius, Chynna and Irene. sa mga text niyo. salamat ng sobra. :)

God be with us all.