Wednesday, September 12, 2007

hindi ko alam

sa aking araw-araw na buhay
siya ang aking naiisip, nakikita
hanap-hanap sa mundong pangkaraniwan

noon, mga daing, problema sinasabi
na tinatanggap at isinasapuso
sa akin ay ang mga kwento na sana
ay tumatak sa buhay

ngayon ay hindi ko na alam
bigla na lamang nawala
ang mga pag-uusap, tawanan
asaran, tuksuhan

hindi ko alam, hindi ko alam
nabaling sa wala

sa tuwing ika'y nakikita
gusto sanang maka usap
para aking mapagnilayan
ang mga magagawa pa

sa tuwing ika'y nakikita
tumitibok ng mabilis ang puso
parang kinakabahan
hindi mamalayan ang mangyayari

sana makita ulit kita
hindi ko alam kung
kailan man yun