7 pesos- tricycle: galing bahay papuntang labasan
51 pesos- bus: Pacita, San Pedro, Laguna papuntang Lawton, Manila
7 pesos (student) - Jeepney: Lawton papuntang CEU;Legarda (minsan tatanungin pa ako ng driver kung estudyante ba ako. waaaa!)
Libre - lakad papuntang Mendiola then San Beda
Pauwi
7 pesos (student) - Jeepney: CEU;Legarda papuntang Lawton (minsan tatanungin pa ako ng driver kung estudyante ba ako. waaaa!)
51 pesos - bus: Lawton, Manila papuntang Pacita, San Pedro, Laguna
20 pesos (special) - tricycle: Pacita papuntang bahay
Conditions:
1. kapag 7:30 na ng umaga hindi na dumederetso ng Lawton ang bus dahil naka abang na ang mga ulupong ni Mayor Alfredo Lim para hulihin ang mga provincial buses na pumupunta ng Maynila.
ang pamasahe na ay 45 pesos hanggang Gil Puyat Station ng LRT 1
2. para makapunta ng Central Terminal Station ay nag LRT 1 na ang pamasahe ay 15 pesos,
kung stored value ay 13 pesos lang ang bawas sa bawat 100 pesos.
3. Ganun din pag uwi. sa Lawton hanggang 9 ng gabi na lamang. kaya pag may hanngang 9 ako ng gabi na klase ay nag LRT 1 ako papuntang Gil Puyat Station para makasakay ng bus pauwi.
4. Pabilisan pa un kasi hanggang 9:30 ang byahe papuntang Baclaran ng LRT 1
5. Minsan kapag hindi pa malalim ang gabi ay naglalakad na lamang ako pauwi pagbaba ng bus sa Pacita. sayang ang 20 pesos.
ngayon lang e nagtaas na ang pamasahe ng tricycle dito sa munisipalidad namin.
27 pesos na ang special at
8 pesos ang regular.
Mas mahal daw sa PACTODA dahil 9 pesos ang regular. Sabi nung tricycle na taga DHAPAT.
bukas naman ay tataas na ang pamasahe sa mga Jeep, Bus at iba pa, sa Maynila lamang.
ayos!
