*paumanhin sa mga gagamitin kong salita sa blog na ito. paminsan minsan e mag iba naman ako ng istilo sa pagsulat. (hanep!)
Sadyang malupit ang bakasyon ko sa Puerto Galera, kasama ko ang aking mga kaibigan sa The Bedan, opisyal na pahayagan ng San Beda. kahit pito lamang kami ay talagang napakasaya. at kahit mauubusan ako ng pera e sige bakasyon parin.
hmm. madami akong hindi malilimutan, isa na marahil ang inuman namin noong unang gabi pa lang, na sa hindi sinasadyang pagkakataon ay lasing sila (ehem!). Patawa lang. lahat halos kami e lasing nun. kumukuha kami ng picture ni Mark at nagrereklamo kami bakit malabo ung picture, e ang labo na pagewang gewang na ang utak ko nung gabing iyon. at nirecord pa ni ate Danna ang aking mga pinagsasabi.. waaaaaaa! ayoko maalala yun.
noong pangalawang gabi, nilibre kami ni ate Danna, sa kanila e chocolate shake, sakin naman ay San Mig Strong Ice. at iyon ay nasa dalampasigan kami. habang umiinom at nagkekwentuhan, dumating si Madame ang "walking manghuhula". mukhang lugi siya dun sa foreigner na hinulaan niya. hehe. ako si undoy, yan ang tawag niya sakin. lahat kaming magkakasama ay hinulaan niya. 30 pesos, kamay at paa este baraha pala. package na yun. kung titingnan may mga hula siyang totoo at yung typical niyang sasabihin. ako ang huli sa amin na hulaan. unang ginawa ay yung pagbalasa tapos hatiin ng tatlo yung baraha. tapos, titingnan niya ung tatlo sasabihin agad ang kanyang nababasa. unang unang tanong sa akin nung pagkalabas nung talong sides ng baraha. Magpapari ka ba? BOOM!!! taena! paano niya nalaman yun?! antagal na nun na kinakalimutan ko na. sa una hindi ako maka imik, napatingin ako sa kanya tapos napatingin ako kay ate Danna at sa aking mga kasamahan. pagktapos ay tiningnan niya yung dalawang palad ko. sabi niya ay maayos naman at successful ako sa aking buhay. tinanong din pala niya kung ano ung hiniling ko, na hindi ko sinabi sa kanya. ang hiling ko talaga bago ung hula session na yun ay " Lord kung ano man ang mangyari, sayo parin ako naniniwala. alam ko hula lang ito." kasi alam ko na mali iyon sa batas ng Simabahang Katolika. hinati ko pala ung baraha ng 7, 8, 9, 10, 11 na mga baraha. isa isa niya iyon nilatag at ininterpreta ang kanyang mga nabasa. mga sinabi niya e halos pareho sa mga sinabi sa kasamahan ko. yun nga lang nung binanggit niya ung mamamatay e namatay talaga ang kandila na nagsilbing ilaw namin nung gabing iyon. at second to the last na baraha na lumabas ay kulay itim na sabi niya may problema daw akong kinakaharap o haharapin. ako daw e mamamatay ng maaga kasi mga kasama ko e halos lahat matagal daw ang buhay. ako lang ang naiiba. sakto pa na namantay yung kandila, "bad omen daw yun". ang nakaka-intriga para sa akin e yung pinaka last na barahang lumabas, Queen na kulay itim. tinanong niya ako kung may girlfriend ako, sabi ko wala. may gusto ba daw ako? sabi ko opo, lalaki o babae? taena, syempre babae. kung may nagkakagusto daw ba sa akin. BOOM!! tae! hindi ko alam, buong buhay ko hindi ko alam yan. haha! madami ako crush pero hindi ko alam kung may nagkakagusto sa akin. konektado daw yun sa huling baraha, Queen na itim. may nagkakagusto daw sa akin ang isang babae, kaso namromroblema siya sa lalaki niya ngayon. BOOOOMM!! tinginan ulit kami. aba! malay ko kung sino yun?! hindi ko alam. pero ayos may nagkakagusto sa akin? haha! lupet ah. asa ako. :p
tulala ako nung pagkatapos. gusto ko sana mag strong ice o kaya mindoro sling, kaso wala na pera e. oo, naungkat na naman yung pagpapari na issue. sabi ko na lang, Lord ano ba yan? hehe.
kahit nag seashore-sleeping ako habang sila e nag ssoulsearching nung gabi hanggang umaga, may mga na realize din ako nung bakasyon ko doon.
na ienjoy ang buhay
oo may problema talagang dumadating pero lahat ng problema ay may solusyon.
kung hindi siya, humanap ng iba. :p
at lagin manalangin sa Diyos na laging nandiyan para sa atin.
*bow
para akong si Bob Ong. hahaha!!!