(drama ng title :p)
just a thought, bakit ganun mga magulang ko, parang inaasa na nila sa akin lahat. for example, nagpapabili ako ng SLR cam, sabi sakin " saka na pag naka-graduate at nagka trabaho ka na, dun ka bumili ng sarili mo." kahit nga kotse e, gusto nila ako na daw ang bumili, kahit mismo sweldo ko daw pag nagka trabaho ako, nakwenta na daw nila kung magkano ang sweldo ko. parang hindi ba sila nangarap dati na pag nagtrabaho sila e bibili sila ng gamit nila. bakit yung ibang magulang? may sariling kotse or laptop na pinapahiram sa mga anak. bakit ung akin hindi man lamang nangarap na sa sarili nila magkaroon. ano un? pinag aral kami para buhayin sila in the future?
naiintindihan ko naman na sa ngayon e walang pera dahil puro utang dahil sa operation kay mama last month. ang akin lang, hindi ba sila nakakaisip ng paraan? ako kahit papaano nag bbusiness kahit maliit ang kita.
finals week, so many requirements but still i cannot review for tomorrow's exam.
many problems but for now, I have four wishes. hehehe. para na din christmas wishlist. hehe
1. I hope and pray na bigyan na ako ng 16,000 pesos, gusto ko na bilhin yung 350d ni Magic! :(
2. Sana payagan ako sumama sa Puerto.. :(
3. Sana pasado lahat ng subjects ko. hehe
4. Sana, ano, na ano, sana malaman na niya.. wehehehe.. :p