si Ryan yung tipo ng tao na tahimik
Huwag mo asahan na siya ang magsasalita lalo na at hindi pa kayo ganong magkakilala.
kahit sa inuman , o kahit saan pa, hindi siya ganon masalita.
kahit kaninong tao, mayaman o mahirap, mayabang o nagpapakumbaba, putol ang daliri o ang ulo. kaya niya makisama.
kaya niya tiisin kahit anong klase pa ng pag uugali mayroon ka.
pati tolerance niya kahit sa baho o sa isang madaldal na talak ng talak sa isang pampublikong lugar, kaya yan tiisin.
pati ang kabaitan ni Ryan
hindi siya yung tao na inaaway lahat sa buong mundo.
mabait si Ryan
kung mabait ka sa kanya, mabait siya sayo.
kung galit ka sa kanya, mabait siya sa iyo.
kung murahin mo siya, mabait siya sa iyo.
naniniwala siya na hindi kailangang awayin yung mga tao na galit sa iyo.
ipakita mo lang ang kabaitan mo. ok na.
Hindi siya natatakot mamatay.
mas gusto niya ngang mamatay ng maaga.
ang ikinatatakot niya ay kung sa paanong paraan siya mamamatay.
kung sasaksakin siya sa isang kanto, atakihin sa puso o mamatay dahil sa pagkatanda.
Laging positibo. hindi nagtatanim ng poot o kung anupaman.
isang tao na naniniwala sa Diyos, na sa lahat ng bagay ang Diyos ay nasa tabi natin.
Mahilig kumuha ng litrato. kahit na gagamitin lang siya sa paglitrato ng sarili mo. iimbitahin ka sa lugar nila tapos magagalit sa una dahil nagdadalawang isip pa si Ryan. pero pumunta parin at kumuha ng litrato, kahit ni salamat lang na manggaling sa kanyang bibig ay walang narinig. pero ok lang.
siguro ganyan ang nagagawa ng pag ibig.
mabait si Ryan. hindi ko alam bakit siya ganyan. kahit gamitin lamang siya e ok lang sa kanya, kahit pinapagalitan na ng magulang e sige parin.
Naniniwala siya na ang pag ibig ay pagbibigay ng sarili para sa iyong minamahal.
siguro madami pa akong hindi nalalaman kay Ryan pero yan ung mga talagang pagkakakilala ko sa kanya.
nawa'y pagpalain ka ng Diyos. :)