Pebrero 12, 2008
St. Maur's
Miting De Avance '08 para sa Student Council elections
kahapon Pebrero 11, nangampanya ang isang "independiente" kandidato sa aming section, oras ng klase kay Sir Febre. pagkatapos ng kampanya, sinabi ni Sir Febre, "Kailan ang Miting de Avance? eto sabihin niyo sa mga kakandidato.. "How far will you go for the students? are you going to have a rally again kapag may nangyari na namang kakaiba?" nagulat ako doon, halos lahat kami e naka-"jawdrop" dahil sa sinabi ni sir.
kanina, umaga, ay hindi ako masyadong tumagal sa miting de avance dahil nag-aalangan pa kami kung may klase. e kaso wala na daw so kumain muna kami. pagkatapos ng PE class ng hapon ay nagtaka ako bakit parang hindi pa tapos ang miting de avance. i took a glimpse of the people in st maurs and nakita ko mga hindi naka uniform, it means mga 3rd and 4th year, "mas maganda ito". sabi ko sa aking sarili, nandoon na rin naman si Kelly at Kuya Magic na kumukuha ng mga larawan, kaya tumagal na din ako. reaksyon ko lamang sa mga napag-usapan: GANOON PARIN. ganoon parin ang sinabi ng mga kandidato ngayon sa mga kumandidato last year sa SC. sa San Bigkis ang labo ng plataporma, maski ang presidente. sa NYPD, maayos pero sana nga mangyari. sa mga independent na running for presidents. kay Luke Jickain, ang labo din. ano ung credentials na yun? and he said ayaw nya sa mga yun (referring to the monks) paano makikipag diyalogo o magkaroon ng magandang relasyon sa admin, e sila mismo, ang mga monks ang nagpapatakbo ng ating eskuwelahan. sa isa, Jonas Cruz, (yata yun) napaka humble. pero sana ma implement or magawa din ang mga platapormang iyan. magandang tanong ang nasabi. hindi ko alam ang pangalan e, pero kaibigan siya nila Kelly, Marj, Ate Danna. ano magagawa nila tungkol sa Uniform Policy, the B issue, etc. kung mag-rarally ba ulit or what? wala naman sinabi e, puro platapormang memorize ang sinabi nila ulit. mayroon pa nag sigawan(?) dahil sa Debate Society.
ang akin lang sana GAWIN ninyo ang mga pangakong iyan. kasi nakita naman natin ang nangyari sa nakaraang taon. oo, ako ay isang ordinaryong estudyanteng Bedista pero I really care about our school. bumoto tayo kung sino ang nararapat. huwag natin sayangin itong pagkakataon na ito.
Lord please do help us.
PEACE