as I read the stand of my school at the gates regarding the issue of GMA. this one came to my mind as I go home and sit down here in front of the computer.
yes, somehow what the administration of San Beda said for me is true. we do not need another rally or people power to oust the one seated in that position, parang laro-laro lang ang nangyayari. kung ayaw na sa presidente, people power tapos resign tapos pag ayaw ulit people power ulit. do you think that is healthy? gaganda ba buhay ng Pilipinas kung papatalsikin na naman ang naka upo? mawawala ba ang corruption? sa tingin ko hindi naman na kailangan, at 1 and a half taon na lang ang natitira, papalitan na naman ba? siguro tama nga ang sinasabi ng mga witnesses pero dapat ireview na lang or take a stringent look on that issue at piliin ang pagbabago na hindi kailangan ng pagpapatalsik.
last night, I watched the news and the opposition or the "Anti-Glorias" had their Mass at the University of Makati, what struck me and got disappointed was a Bishop, a shepherd for God's flock, Bishop Ted Bacani, mocking and insulting the president in his homily. sabi, duwende na naka upo sa Malakanyang at ginagaya pa ang " I am sorry" line niya noong Hello Garci scandal. what? a bishop? mocking a person in public?! nakakahiya, especially me who is a church worker at my parish and a devout Catholic. but what can I do, sabi nga ng obispo ng Diyosesis ko, Bishop Leo Drona, " na each bishop has its own side". hindi masasabi na ma uunite sila dahil tao din naman sila na may sariling pinaniniwalaan. pero sana gamitin nila at tandaan nila na ang simbahan ang konsensiya ng gobyerno. hindi sa mismong banal na Misa ay sisiraan at kukutyain ang ibang tao.
also, I cannot forget what my Religion teacher during junior and senior years in high school, Mr. Mike Millanes, said, " What they do is just power-grabbing. kapag naka upo si Gloria, kasama ng kanyang partido sila ang administrasyon, at ang partido nila Erap ang magiging Oposisyon. sisiraan at sisiraan ng oposisyon ang administrasyon para maka upo sila sa pwesto, kapag nangyari yun ang partido naman ni Gloria ang magiging oposisyon at kay Erap ay administrasyon. ganun at ganun ang mangyayari, siraan ng siraan, in short, Power Grabbing. as I remember we ar all laughing to that story of our Religion teacher and now as I think of it, " tama yun. ganun ang nangyayari dati pa. "
kanina din ay binasa ng aming theology prof ang isang text sa kanya, " Bakit daw ang mga Benediktina ay Anti-Gloria samantalang ang mga Benediktino ay Pro? " (parang ganun ang pagkakasabi e.) doon ko din nalaman na ang st. Scholastica's College ay Anti- Gloria.(dito nakikita ang hindi pagiging united pati ng simbahan) pati mga ibang kilalang Kolehiyo at Unibersidad. nabasa ko pa nga sa diyaryo na magkakaroon ang La Salle at Ateneo ng isang unity game para kay Jun Lozada. (wow! hehe)
siguro nga ay hindi ko nararamdaman ang hirap ng buhay sa ngayon kaysa sa ating mga kapatid na naghihirap ng sobra sobra dahil sa walang pera o trabaho pero laging sinasabi na tumataas na daw ang ekonomiya. ang akin lang, we should do our ordinary duties extra ordinarily well. mag-aral, magtrabaho, tumulong, mabuhay ng may pananalig at pagkakaisa. siguro nga mahirap, pero sana huwag natin i asa sa iisang tao ang ikaka ginhawa ng ating buhay. hindi na natin kailangan ng isa pang people power para ipatalsik ang naka upo, at umasa na naman na aayos ang buhay ng bawat Pilipino. sana subukan nating tumulong, hindi salita ng salita na siraan ang iba.
*ito lang ang iniisip ko.
I don't mind whether you are an Anti or Pro Gloria, I respect your views.
God be with us all.