tuwing gabi
wari ay hindi makaidlip
kahit ipikit
sadyang pumapasok sa isipan
dahil ikaw ay malayo?
tahimik
ni kahit hele ng pusa ay hindi marinig
masakit
ngunit kailangang tiisin
sadya ba?
wari ang gabing iyon
ang huli ko
para ako
ay mabuhay, makahinga
lamig
ang hamog sa kinagabihan
ikaw ang presensyang nararamdaman ko
ang dampi ng lamig
kahit masakit
titiisin
para lang ikaw ay maramdaman
ang mga tala
sa tuwing ako ay sisilip
mukha mo lamang ang tanging nakikita
sa wakas, sa pagtulog
ikaw parin
ang gabing iyon
hanggang tanaw ka na nga lang ba?
wari ay hindi makaidlip
kahit ipikit
sadyang pumapasok sa isipan
dahil ikaw ay malayo?
tahimik
ni kahit hele ng pusa ay hindi marinig
masakit
ngunit kailangang tiisin
sadya ba?
wari ang gabing iyon
ang huli ko
para ako
ay mabuhay, makahinga
lamig
ang hamog sa kinagabihan
ikaw ang presensyang nararamdaman ko
ang dampi ng lamig
kahit masakit
titiisin
para lang ikaw ay maramdaman
ang mga tala
sa tuwing ako ay sisilip
mukha mo lamang ang tanging nakikita
sa wakas, sa pagtulog
ikaw parin
ang gabing iyon
hanggang tanaw ka na nga lang ba?
(wala lang magawa. :p)