Tuesday, July 28, 2009

Inspirasyon

background music: Boom Boom Pow
(boom boom pow?! haha)

tinging malumanay
matimbang

sa dapit hapong ikaw ay makikita
masulyapan
sadya bang kakaiba
ang nararamdaman?

parang batalyon ng bandang tumutugtog
sobrang lakas
umaalingawngaw

kumakabog
kinakabahan
magmimistulang labanan ng langit at lupa

hindi mawari
hindi mamalayan
ang alam ko lang
inspirasyon siya
sa bawat araw ng mundng ito.