I am reading now the new book of Bob Ong "Kapitan Sino"
I really admire his style in writing, straight to the point, parang what you see, what you experience in reality is what you write. walang halong highfalutin words.
then this pop into my mind, pano kaya kung gayahin ko pero syempre with a Big Boy twist!. (may ganon?!) hehe. just a simple short story.
malay natin magkaroon pa ng part 2-part 3. hehe. jooke! :
"sa paglalakad ko, habang sinisip sip ang Fruitas na aking hawak-hawak, laging sumasayad sa isipan ang babaeng iyon. "Nandiyan kaya siya?", "pumasok kaya siya?". pasok sa klase, lakad ng lakad, kung ano ano ginagawa.
BOOM!
nakita ko siya,
"Shocks! ganda parin niya"
mala porselana niyang kutis, hindi ko makakalimutan yung mga tingin niyang mapupusok
galing sa kanyang mga mata.
kung pwede lang tunawin na ako sa kinalalagyan ko dapat ginawa ko na.
ngunit ito'y realidad, gising ako at hindi nananaginip.
sa lalim ng iniisip niya, hindi ko mabasa
kahit sa akin, sa lalim ng nararamdaman ko, pwede na ako malunod.
nakikita ko siya hindi dahil lang sa gusto ko pero dahil sa kailangan ko, tadhana yata (baduy!)
siya lang gusto ko
oo, sino ba naman ako?
ako na hindi
ako na hindi kagaya ni ano(?)
na may ipagyayabang
simpleng tao din na nangangarap
wala ako magawa
walang pag asa
kung meron man katiting lang siguro
sinliit pa ng palito ng posporo
ako na walang alam sa romantikong bagay-bagay
talagang hindi ko alam, para akong gagong aso.
tanggap ng tanggap
tapos bigay ng bigay
sa ibang may buhay romantiko.
hi lang saglit, tapos lakad na ulit, sipsip ulit sa fruitas na hawak hanggang maubos.
ipinagdadasal na lagi siyang ligtas at masaya. "